• COMMERCIAL!!!
•DALAWANG ANYO NG PINAY•
Isang natatanging halimbawa ng magandang kahulugan o pagsasalarawan ng isang Filipina ay matatagpuan sa awiting nilikha ni Florante de Leon noong dekada ‘70. Basahing mabuti o pakinggan ang bawat kataga at nilalaman ng kantang ito upang lubos n’yong mauunawaan ang napakagandang pagsasalarawan ng may akda ukol sa isang Filipina:
Title: PINAY
Artist: Florante de Leon
Dapat ka bang mangibang bayan?
Dito bay wala kang paglagyan?
Tungkol sa bebot ditoy maraming okey.
Dito ang kelot ay kulang
Bakit pa iiwanan ang lupang tinubuan?
Dito ka natuto ng iyong mga kalokohan.
Baka akala moy ganoon lamang ang mamuhay sa ibang bayan,
At kung ikaw ay mag-aasawa ang kunin mo ay Pilipina
Pagkat magaganda ang mga pinay.
Sa bahay man silay mahuhusay.
Kumustahin kung manamit, okey lang
at kung umibig ay lalong okey ang pinay
Bakit pa iiwanan ang lupang tinubuan?
Dito ka natuto ng iyong mga kalokohan.
Baka akala moy ganoon lamang ang mamuhay sa ibang bayan,
At kung ikaw ay mag-aasawa ang kunin mo ay Pilipina
Pagkat magaganda ang mga pinay.
Sa bahay man silay mahuhusay.
Kung minsan ay selosa rin ang pinay
pagkat ang selos ay tanda lang ng pagmamahal ng pinay.
[Play Audio]
PINAY
**********
Isang awitin din ang nilikha ni Heber Bartolome ng Banyuhay noong dekada ‘70. Ang pamagat nito’y “NENA” na naglalarawan ng buhay ng isang ordinaryong Filipina na dumanas ng hirap at sakripisyo sapul pagkabata. Pakinggan at namnamin ang bawat katagang nilalahad ng kanta.
Title: NENA
Artist: Banyuhay
(Spoken)
Noong kumakanta pa ko sa Olongapo
Ay mayroong isang babae do’n na nagtatrabaho
sa isang night club
Na nakapagkuwento sa ‘kin tungkol
sa kanyang buhay
Kung bakit daw n’ya pinasok
‘yong gano’ng klaseng trabaho
Ang lungkot no’ng k’wento eh
Para bang yung mga nababasa natin sa komiks
Napa-iyak nga s’ya eh
Di n’ya alam, ginawa ko s’ya ng isang kanta
At kung naririnig n’ya ko ngayon
Ito’y para sa kanya…
Ang nanay n’ya’y naglalaba, ang tatay n’ya’y pagod
Galing sa trabaho, wala pang tulog
Si Nena’y nagbabasa, nag-aaral pa
Nag-iisang anak ng kanyang ama’t ina
Tanging pag-asa ng kanyang ama’t ina
Ang nanay n’ya’y umiiyak, ang tatay n’ya;y patay
Naipit ng makina doon sa pabrika
Sinikap ng kanyang nanay na sila ay mabuhay
Sa paglalaba ay tumulong s’ya
Si Nena’y natigil sa pag-aaral n’ya
Chorus
Lumaki si Nena, di nakapag-aral
Di natitiyak kung ano ang bukas
O, kay hirap ng buhay na kanyang dinanas
Ang tanong niya’y, “kailan ito magwawakas?”
Ang nanay n’ya’y nakahiga, mata’y nakapikit
Sa labis na trabaho, ito’y nagkasakit
Si Nena’y nababalisa, kailangan n’ya’y pera
Walang mauutangan, saan kukuha?
Kailangan ay pera, saan s’ya kukuha?
Chorus
Lumaki si Nena, kaakbay ay hirap
Di natitiyak kung ano ang bukas
O, kay hirap ng buhay na kanyang dinanas
Ang tanong niya’y, “saan ito magwawakas?”
Bago dumilim, si Nena’y umaalis
Laging naka-make-up, maiiksi ang damit
Ang itsura n’ya ay kaakit-akit
Bukas na ng umaga ang kanyang balik
Ayaw ni Nena, ngunit s’ya’y nagigipit
Oh hmmm
Nena, Nena
Hmmm…
Tulad ni Nena, marami pang iba
Kahit saan maraming Nena
[Play Audio]
NENA
**********
Pagpasensyahan na po ninyo ako kung ito lamang ang aking paraan ng pagsasalarawan ng isang Filipina dahil di po ako magaling na manunulat. Ito lamang po ang aking munting paraan upang mailarawan ng maayos ang iba’t-ibang anyo ng FIlipina. Gayon pa ma’y gusto ko ring bigyan pugay ang dalawang artista at kompositor na lumikha ng mga awiting tulad nito, na sila Ginoong Florante de Leon at Ginoong Heber Bartolome ng Banyuhay. Sila’y mahuhusay na kompositor noong dekada ‘70 at kahit na ‘di na sila aktobo sa paglikha ng awiting original, sana’y bumili po kayo ng kanilang rekord upang malaman n’yo kung anong klaseng musika ang kanilang nilikha noong dekadong ito.
Nagpapasalamat din po ako kay Bb. Janette Toral sa kanyang pag anyaya na ako’y lumahok sa isang makabuluhang proyekto na kanyang inilunsad sa buwan na ito na may pamagat na “Filipina Writing Project“. Layunin nito’y upang bigyan ang bawa’t isa ng pagkakataon na magbigay ng kanyang opinyun tungkol sa isang Filipna. Suportahan po natin ang proyektong ito at Maraming salamat po!
********************END








October 10th, 2007 at 5:21 pm |
Hello. Thank you for supporting the Filipina Writing Project. I also encourage you to create an audio version of your entry and we can include it in our Filipina Writing Project Podcast at http://filipina.podbean.com
Thank you!
July 8th, 2008 at 8:47 am |
i like the of being filipino or filipina
July 8th, 2008 at 8:48 am |
i like the value of being filipino of filipina