• SI KADYO AT SI DRAYBER
O. . . sakayyy. . . sakay na’t aalis na tayo, sigaw ng drayber na dupang sa pasahero. Habang sa loob ng sasakyan ay panay ang paypay ng mga pasaherong inip na inip at pawisan sa kahihintay.
At isang di mapakaling si Kadyo ang ‘di na nakatiis sa paghihintay ang nagsalita. “Pare, kung gusto mo, ako na lang ang magbabayad at sasagot sa isang kulang, para umalis na lang tayo. Tipo kasing nagmamadali ako eh.†“Aba, oo. . . kung ganyan ba naman ang usapan, ‘di ayos! Aalis na tayo. . . “At inistart. . . bbrrrrooooomm.
Patuloy ang takbo ng sasakyan ng biglang nagpapara si Kadyo sakanto nguni’t tipong alaws naming bumaba at nagtanong si drayber “’kala ko ba, merong bababa.†“Aba, pare bumaba na,†sabi ni Kadyo. “Sino?†anang drayber. “’Di ‘yung isang kulang na sinasagot ko kanina, sabay abot ng bayad. Aba. . . kulang ng trenta ito, pare†paasar na tanong ng drayber. “’Ba’t naman kulang eh sa diskawnt . . . he he he . . .†“Grrrrr. . . “ sabi ni Drayber, sabay kambiyo at apak sa gasoline, sibad ang sasakyan.
Ganoon pa man, nagpatuloy pa rin ang biyahe at sa wakas ay pababa na rin si Kadyo, sabi sa drayber, “sa tabi lang. . . sa tabi lang ng asong iyon. “At nang hihinto na ang sasakyan sa tabi ng aso e tipong nabigla si aso, biglang karipas ng takbo. At si drayber naman medyo asar kay Kadyo, hinabol ‘yong aso kasi sabi ni Kadyo sa tabi ng aso eh, he he he.
Ngayun, dehins pa rin nakababa si Kadyo sa sasakyan ni drayber kasi dehins pa rin nakakatabi sa aso at naghahabulan pa hanggang ngayun. (Ang gulo, ‘no?).
END***************








May 31st, 2007 at 1:03 am |
hehehhehe.. ang gulo nga preng webby?…
musta.. hmmm. pwede ba maksingit jan sa yong blog roll..
keep laughing…….
regards…